Ano Ang Limang Kahulugan Ng Pagsusulat???
Ano ang limang kahulugan ng pagsusulat???
Answer:
Limang Kahulugan ng Pagsusulat
- Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o ideya ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para maihayag ng mga tao ang kanilang mga opinyon at saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan.
- Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na isinasakatuparan para sa iba't-ibang layunin at tunguhin. Ito ay mental na aktibidad sapagkat pinapairal dito ang kakayahan nang isang tao na mailabas ang kanyang kaalaman at ideya sa pamamagitan ng pagsasatitik sa mga ito. Ito naman ay matuturing na pisikal na aktibidad sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay.
- Ang pagsulat ay isa ring mental na gawainsapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng pag-unlad at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng grammar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.
Iba pang kahulugan ng pagsulat ayon sa mga dalubhasa:
- Ayon kay Sauco, et al., (1998), ito ay ang paglilipat ng mga nabuong salita sa mga bagay o kasangkapan tulad ng papel. Ito ay naglalayong mailahad ang kaisipan ng mga tao.
- Ayon naman may Badayos (1999), ang pagsusulat ay isang sistema ng interpersonal na komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay maukit o masulat sa makinis na bagay tulad ng papel, tela, maging sa malapad at makapal na tipak ng bato.
- Batay kay Rivers (1975), ang pagsulat ay isang proseso na mahirap unawain (complex). Ang prosesong ito ay nag-uumpisa sa sa pagkuha ng kasanayan, hanggang sa ang kasanayan na ito ay aktwal nang nagagamit.
Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalagang mapag-aralan ang pagsulat. Ang kasanayan na ito ay makakatulong sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao lalo na sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o pakikipagkomunikasyon.
Apat na Kahalagahan ng Pagsulat ayon kay Arrogante (2000)
- Kahalagahang Panterapyutika
- Kahalagahang Pansosyal
- Kahalagahang Pang-ekonomiya
- Kahalagahang Pangkasaysayan
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pagsulat, magtungo sa link na: brainly.ph/question/672469, brainly.ph/question/578491
#LetsStudy
Comments
Post a Comment